Ano ang Survey sa Kalusugan sa California?
Kasalukuyang ginagawa ang Sarbey ng Kalusugan
ng California para malaman ang kalusugan ng mga tao sa California at ang mga problema nila sa pagkuha ng pangangalagang pangkalusugan. Ang mga resulta ng sarbey na ito ay
nagbibigay ng mahahalagang impormasyon
na makakatulong sa paggawa ng mga
patakaran at mga programa para sa Estado at mga lokal na komunidad.Para sa karagdagang impormasyon, mag-click DITO.
Bakit kailangang kayong sumali?
Mahalaga ang partisipasyon ninyo para tulungan ang mga mananaliksik, ang publiko, at ang pamahalaang mas mabuting maunawaan ang ilan sa mga pangkalusugang problema at hirap para makakuha ng pag-aalaga sa kalusugan sa California.
Pa’no ko matitiyak na magiging lihim ang impormasyon tungkol sa akin? Pa’no mapoprotektahan ang aking privacy?
Unang priyoridad namin ang panatilihing kumpidensiyal ang impormasyon ng indibidwal. Talagang pinroseso namin ang lahat ng mga sagot para walang direktang makakapag-ugnay kung anong mga sagot ang nagmula sa aling sambahayan. Iniuutos ng batas sa lahat ng nagtatrabaho sa pag-aaral na ito na protektahan ang pagiging kumpidensiyal ng mga taong sumali. Walang mga pangalang naiiwan, ang lahat ng tirahan o address at alinmang numero sa telepono (kung meron man kami) ay tinatanggal sa mga sagot sa survey. Napapailalim kami sa napakahigpit na reglamento ng Opisina ng UCLA para sa Proteksiyon ng mga Kalahok sa Pananaliksik at ng pinamamahalaan ng California na Komite para sa Proteksiyon ng mga Taong Kasama sa Pananaliksik para protektahan ang inyong privacy at mga karapatan bilang kalahok ng isang proyekto ng unibersidad. Para sa karagdagang impormasyon, mag-click DITO.
Sagutan ang Survey ng Kalusugan ng California
Gamit ang secure na access code na ibinigay sa sulat na natanggap ninyo, puwede ninyong sagutan ang survey sa pamamagitan ng pag-click dito.